Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Learner's Module - Academic
Bilang wikang pambansa, kinakailangang lumagpas ang wikang Filipino bilang wika lamang ng komunikasyon sa iba’t ibang mga sektor sa lipunang Pilipino.
May pangangailangang mapaunlad ito bilang wika ng kaalaman at wika sa produksiyon mismo ng kaalaman.
Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong disiplina, mas nailalapat ito sa pagkatao, karanasan, at kalinangan ng mga Pilipino.
Sa pagbuo at pagbalangkas ng isang makabayang edukasyon, mas napalilitaw ang ganitong tunguhin, habang napauunlad ang paggamit at pagiintelektuwalisa ng wikang Filipino.
Click on the link below to download this material:
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Learner's Module - Academic
Comments
Post a Comment